Mavy Legaspi, Ibinahagi Ang Saloobin Ng Mga Magulang Sa Natatanggap Nilang Basing Ng Kapatid

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Lovely


Sa isang panayam, isiniwalat ng actor host na si Mavy Legaspi ang saloobin ng kanyang mga magulang na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa mga natatanggap nilang bashing kasunod ng pagiging host nila sa revamped Eat Bulaga.


Matinding pambabash ang ibinabato ngayon ng publiko sa mga bagong host ng Eat Bulaga!, na ikinukumpara sa original hosts na sina Tito, Vic, and Joey at kanilang co-hosts na kumalas sa TAPE Inc. noong May 31, 2023.


Kaya naman naku-curious ngayon ang mga netizens kung ano ang reaction ng mga magulang na kambal na kabilang rin sa mga pinagsasalitaan ng masakit.


Kahapon, June 8, 2023, sa press conference ng LUV IS: Love at First Read, ang upcoming Kapuso Wattpad-based series na pinagbibidahan nila ni Kyline Alcantara, naitanong kay Mavy kung ano ang reaction ng kanyang mga magulang sa mga bashing na natatanggap nila ng kanyang kambal.


“Definitely, they gave us the decision to decide whether to take it or not. Pero may mas malaking push kasi yung dad ko. I'm free to say this… ito nga yung sinabi niya sa akin.


“I believe them, kasi they've been in the industry for so long, and they know kung anong opportunity dapat i-grab para ma-improve ang skills.”


Gayunpaman inamin ni Mavy na mas sensitive ang kanilang inang si Carmina sa isyung ito. Pero bilang ina, sinuportahan daw sila nito sa kanilang desisyong tanggapin ang offer.


“Siyempre, mas sensitive in her end. Pero doon siya sa improvement ng mga anak niya, towards Cassy and I. I appreciate that dahil alam ko, close to heart yung EB sa kanya and very sensitive siya."


Naitanong rin kay Mavy kung nakakausap pa ba ni Carmina ang TVJ, lalong-lalo na noong bago tanggapin ng mga anak ang offer ng TAPE.


 “I won't talk about that, but I just wanna put out there, in the personal end with the family and together with the EB hosts, in the personal end, we're good.


“So, trabaho lang, that's what they said, trabaho lang.”


“Yes, but… trabaho lang. Yeah. Yes. That's what I mean by, ‘in the personal end,’ okay naman kami. Pero...”


Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Mavy Legaspi, subalit sa kanyang sinambit ay nakausap ni Carmina ang TVJ. Ngunit hindi binanggit ni Mavy kung ano ang nakuhang reaksiyon ni Carmina o kung may nakuhang reaksiyon ang ina mula sa TVJ.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo