Tuluyan nang nagsampa ng reklamo ang komedyanteng si Pokwang laban sa dati niyang kinakasama na si Lee O'Brian.
Kahapon, sinamahan mismo si Pokwang ng kanyang abogado na si Atty. Ralph Calinisan sa Bureau of Immigration para magsampa ng kaso at tuluyan nang ipapadeport pabalik sa Amerika si Lee O'Brian.
Sina Lee O'Brian at Pokwang ay nagsama ng ilang taon, nabibiyayaan naman sila ng isang anak na si Malia O'Brian. Subalit hindi naging maayos ang kanilang pagsasama at tuluyan nang naghiwalay noong 2021.
Ayon kay Pokwang base sa kanyang Instagram post, ginawa lamang niya ito para ipaglaban ang kanyang karapatan at ang karapatan ni Malia at maging ng iba pang babae sa lipunan na may kaparehong sitwasyon sa kanya.
"para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko," caption ni Pokwang sa kanyang Instagram post.
Naging emosyunal din si Pokwang sa naging panayam sa kanya ng TV5 reporter na MJ Malfori matapos maipasa ni Pokwang ang kanyang petisyon.
"Sana'y mabigyan ng leksyon ang mga taong umaabuso sa batas natin sa karapatan ng mga babae, ng bawat nanay," emosyunal na pahayag ni Pokwang.
Isiniwalat din ni Pokwang ang naranasan niyang mental abuse dahil sa hindi pagtupad ni Lee O'Brian sa mga responsibilidad sa kanila ng anak nilang si Lee.
Kaya naman, mas matatahimik lamang umano si Pokwang kung makakaalis at wala na sa bansa si Lee.
Dahil dito nagreact na ang ilan sa mga kaibigan at kasamahan ni Pokwang sa showbiz industry sa bansa.
Marami sa mga ito ang sumusuporta sa bawat hakbang ni Pokwang at sa desisyon nito para kay Lee O'Brian.
"Ang dami mong prayer warriors in full force Sis! God is with you."
"Buong-buo ang suporta at dasal ko for you and Malia, Mare "
"Saludo sayo mamang sa paninindigan at hindi pagsuko kahit andaming epal sa mundo! Haha! God bless you and your fam"
Samantala hindi naman nakaligtas si Pokwang sa mga pambabatikos mula sa mga netizens na nagsasabing dapat na siyang magmove on.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!