Multo Sa Batangas, Umangkas Sa Motorista!

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely


 Isang nakakakilabot na video ang ibinahagi ng isang netizen kung saan tila pinapatunayan niyang totoo ang mga multo.


Hindi umano lubos akalain ng isang netizen na si Ace Anthony Tiglao, na mararanasan niya ang dating kuro-kuro lamang ng mga matatanda.


Sa videong ibinahagi ni Ace Anthony, maririnig ang pag-uusap nila ng isang matanda na nakisakay umano sa kanya noong byernes ng madaling araw sa Batangas at nagpahatid sa kanya sa San Piro.


Ayon sa kanya, pauwi na sana siya mula sa paghahatid nang may mapansin siyang isang matandang babae sa tabi ng daan.


"Makikisabay ako Totoy hanggang San Piro lang," pagbabahagi ni Ace sa usapan nila ng matanda.


Naramdaman umano niyang nakasakay nga ang matanda sa kanyang motor dahil medyo bumigat ang kanyang likuran.


"Sumakay siya kasi naramdaman kung bumigat, pero hindi siya nadampi sa akin," pagbabahagi pa ni Ace Anthony.


Ayon kay Ace Anthony, ang matanda ay medyo maliit na may katabaan, nakasuot umano ito ng blue na damit na punit-punit na nag manggas habang may naapandong sa ulo. May dala din umano itong basket na may lamang basahan.


Habang nag-uusap sila, bigla na lamang umanong humina ng humina ang boses ng matanda. Naramdaman din umano niyang biglang gumaan ang kanyang motor.


Dahil sa pagtataka, naisipan ni Ace Anthony na itapat sa likod ang ginagamit niyang kamera kung saan nakaangkas ang matanda.


Subalit, tumindig ang kanyang balahibo ng mapag-alamang wala na ang matanda.


Kapansin-pansin naman sa video na hindi huminto si Ace sa pagpapatakbo ng kanyang motor kaya naman paano nawala na lamang bigla ang matandang naki-angkas sa kanya.


Kaya naman talagang nakakakilabot ang nasabing karanasan ni Ace Anthony. Ayon pa sa kanya, noon pa man ay naririnig na niya ang bali-balitang may umaangkas talagang multo sa isang highway ng Batangas.


Kaya naman, kumuha siya ng video upang kung sakaling may mangyari nga sa kanya ay may maniniwala sa kanya.


Narito panoorin ang video: https://www.facebook.com/reel/790211679352151

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo