Napag-alaman na pagmamay-ari pala ng anak ni Sen. Bong Revilla na si Agimat Partylist Rep. Bryan Revilla ang kotseng bigla na lamang nasunog sa kahabaan ng EDSA nitong sabado.
Biglang nagliyab ang isang blue vintage Toyota sports car na nagdulot ng bahagyang trapik. Agad namang rumesponde ang mga bumbero naapula ang sunog sa loob lamang ng sampung minuto.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire sa naging sanhi ng pagliyab ng kotse ni Bryan.
Alas-siyete na ng gabi kagabi nang mag-post si Cong. Bryan sa kanyang Instagram account ng larawan ng sasakyang nasusunog sa EDSA at inaming sa kanya nga ito at siya mismo ang nagmamaneho.
“My vehicle caught on fire this morning while I was driving it along EDSA.
“Thankfully no one got hurt. I was able to get out relatively unscathed and was able to get to safety with the help of some strangers and traffic officials.
“I’d like to give my utmost thanks and praise to the Bureau of Fire Protection-Mandaluyong, the PNP, MMDA traffic enforcers and to the security guards of SM LIGHT MALL in Mandaluyong who came to my aide.
“They were all very swift and efficient. I salute these public servants who came to assist without hesitation. I will be working closely with them to determine what could have caused the fire,” pahayag ni Bryan sa kanyang post.
Humingi rin si Cong. Bryan Revilla ng paumanhin sa mga taong naperwisyo dahil sa naidulot na traffic dahil sa pagliyab ng kanyang kotse. Pinayuhan pa niya ang iba pang motorista na katulad niya na ugaliing i-check bago bumyahe ang mg sasakyan.
“While this was a completely unforeseen incident, I am aware that it has caused inconveniences to my fellow road-users and for that I am sorry.
“As a long-time car and driving enthusiast, I am saddened by this event. Though I always take all necessary safeguards and precautions, accidents will still happen.
“This is a reminder to my fellow drivers and enthusiasts to regularly have cars checked for road-worthiness, be vigilant while driving and be responsible road-users,” dagdag pang pahayag ni Bryan.
Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens na nag-aalala para kay Bryan.
Sabi ng car racer na si Angie Mead King, “Sorry to see this bro.”
Nagulat naman ang CEO ng Aguila Entertainment na si Katrina Aguila, “Omggggg. Glad ur safe.”
Komento ng aktor na si Richard Gutierrez, “Damn son!! Glad your ok brother.”
Ani Troy Montero, “Damn bro, glad you ayt.”
Sabi ng kapatid ni Bryan na si Gianna Revilla, “Big hugs kuya."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!