Tuluyan nang sinampahan ng kaso ang social media personality na si Awra Briguela matapos ang pagkakasangkot niya sa isang rambulan.
Nauna nang naiulat ang nangyaring rambulan sa labas ng isang bar sa Poblacion, Makati. Agad naman rumesponde ang mga kapulisan at nakita pa sa video ang pagpupumiglas ni Awra habang sinasakay sa patrol.
Tuluyan na ngang sinampahan si Awra ng kasong physical injuries base na rin sa inilabas na mugshot ng PNP.
Bukod sa kasong ito kinakaharap rin ni Awra ang patong-patong na kaso kabilang na ang Direct Assault, Alert Scandal and Resistance and Disobedience To Person in Authority.
Samantala, marami naman sa mga kaibigan ni Awra ang dumipensa sa kanya at sinabing pinagtanggol lamang sila ni Awra.
May mga lalaking nanghipo umano sa kanila kaya naman kinausap umano ito ni Awra subalit nauwi sa rambulan ang lahat.
Bigla na lamang umanong sinuntok si Awra ng mga lalaki at gumanti naman kaagad ito. Nawala naman sa eksena ang sinasabing kaibigan ni Awra kaya wala na itong nakasama nang dalhin siya ng mga pulis sa station.
Kaya naman nagsampahan siya ng reklamo ng mga sinasabing lalaki, walang makakapagpatunay na walang kasalanan si Awra.
Samantala, maging ang social media personality at businessman na si Xian Gaza ay nagbigay rin ng offer kay Awra na tulungan siyang makapagpyansa at bibigyan pa ng abogado.
Naglabas din ng paliwanag si Xian hinggil sa pagpapakulong ngayon ni Awra.
"Inaresto at ikinulong si Awra because that's how the system works at wala kayong magagawa doon. Na-caught in the act siya sa kaguluhan eh. Nasa tamang due process ang mga pulis na damputin siya.
"Hindi porke ipinagtanggol niya yung mga kaibigan niyang hinipuan eh maaabswelto na siya sa kaso. Maaaring bayani siya sa paningin nating lahat pero sa mata ng batas ay wala siyang laban.
"Bakit hindi inaresto yung mga lalaking manyak?
"Tanong ko sa inyo, nagreklamo ba sa pulisya yung mga babaeng hinipuan? Hindi naman. So paano dadamputin?
"Justice for Awra? Guys, the justice system is working properly on him. Sadyang nagkamali lang siya at nabutasan ng batas. Hindi porke trending sa social media eh maaari na siyang palayain.
"Yung isang kakilala ko nga, palaging trending na scammer scammer scammer pero hindi naman masampahan ng kaso kaya ang sarap ng buhay sa iba't-ibang bansa. Ni isang estafa case ay walang nanalo. Scammer siya sa mata ng lahat pero sa mata ng batas ay wala siyang sala maliban sa 11 checks na tumalbog dahil hindi napondohan.
"The same way with Awra, maaaring hero siya for all of us but the law of the land has a different perspective.
"Kahit gaano pa kalinis ang intensyon niya para sa kanyang mga kaibigan, Awra committed a crime.
"Nawa'y maging leksyon ito sa lahat ng Millennials and Generation Z out there. Kahit ano pa ang kasangkutan niyong gulo, huwag na huwag kayong magpapabutas sa batas upang hindi mangyari sa inyo ang nangyari kay Awra."
Samantala, nagsalita na rin ang lalaking nakaalitan ni Awra sa labas ng bar. Ayon sa kanya, bigla na lamang silang nilapitan ni Awra at pinaghubad ng t-shirt.
Ayon pa kay Mark, mga kaibigan ni Awra ang unang nanuntok sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!