Paolo Contis, Nilinaw Na Hindi Niya Balak Tapatan Ang TVJ

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Paolo Contis patungkol sa mga natatanggap niya critisismo kasunod ng pagpalit niya sa mga dating host ng Eat Bulaga.


Umaani ngayon ng kaliwa't-kanan na pambabatikos sina Paolo Contis at iba pang mga bagong hosts ng Eat Bulaga matapos ang pagpapalabas ng unang episode ng show.


May  mga hayagang ipinahayag ang kanilang disgusto sa mga panibagong hosts ng show at tahasang sinabi na napakapangit na nito at napakaboring dahil wala na ang mga dating hosts.


May mga nagsasabi pang tinapakan umano ni Paolo Contis ang TVJ at ninanais na palitan. Subalit, nilinaw na ni Paolo Contis na wala siya balak na tapatan ang TVJ.


Ipinunto pa ni Paolo na ninanais lamang niyang magbigay ng kasiyahan at saya sa mga Eat Bulaga viewers kaya tinanggap niya ang alok ng TAPE Inc.


Ipinahayag din ni Paolo na ‘honored’ sila na maging bahagi ng Eat Bulaga, aminado din sila na nakakaramdam sila ng pressure dahil sa mga naunang hosts nito na tila kinakailangan nilang tapatan.


Ipinagdidiinan din niyang kinuha sila ng TAPE Inc. na maging hosts at hindi sila ang nagvolunteer na palitan ang TVJ at iba pang naunang hosts ng show.


“Siyempre lilinawin lang naman natin, walang planong palitan, wala kaming chance palitan si Tito, Vic and Joey. Wala kaming chance dun. We were just called to work. To continue the show because gusto ng TAPE office na magkapagbigay ng papremyo, saya everyday.”


Nilinaw pa niya ang dahilan kung bakit hindi niya tinanggihan ang offer ng TAPE Inc. itoy upang magbigay ng saya sa lahat ng mga Eat Bulaga viewers.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo