Kaagad na naglabas na pahayag ang abogado ng komedyanteng si Pokwang na si Atty. Ralph Calinisan hinggil sa paghahain ni Lee O'Brian ng counter-affidavit laban sa deportation case na isinampa ni Pokwang sa Bureau of Immigration.
Ayon kay Pokwang sa kanyang paghahain ng deportation case laban kay Lee, ginamit lamang umano ng American ang kanilang relasyon upang makapag stay sa bansa.
Kaya naman, nararapat lamang itong tawagi na isang undesirable alien sa Pilipinas.
Ayon naman kay Atty. Calinisan, na dapat i-deport kaagad si Lee O'Brian at huwag nang patagalin pa.
“Undesirable aliens have no place in this country. With this case we are pursuing, we are putting stop to the gross manipulation of Philippine Immigration laws,” saad ng Abogado.
"With this case we are pursuing, we are putting a stop to the gross manipulation of Philippine Immigration laws and the acts of abuse against our client, Ms. Marietta Subong. The Philippines must be a safe place for everyone, especially us, Filipinos."
Matatandaan na hindi na natahimik si Pokwang mula noong nabalitaan niyang may bagong nang kinakatagpo ang kanyang dating kinakasama na si Lee O'Brian. Dahil dito, tila nawasak ang ilusyon ni Pokwang na magkakabalikan pa sila kahit man lang para sa kanilang anak na si Malia.
Dito na sinimulan ni Pokwang ang kanyang sunod-sunod na pambabatikos kay Lee O'Brian at pagsisiwalat sa mga bahong tinatakpan naman niya mismo noon.
Samantala, may mga netizens ang binabatikos si Pokwang dahil sa pagiging bitter umano nito at pinapayuhan nilang mag-move on nalang at pabayaan na si Lee.
Subalit, tila hindi ito magawa-gawa ni Pokwang kaya patuloy pa rin niyang binabatikos si Lee.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!