Pokwang Muling Binanatan Ang Mga Babaeng Dumidipensa Kay Lee O'Brian

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang binanatan at hinamon ng komedyanteng si Pokwang ang mga babaeng patuloy na dumidepensa sa kanyang dating kinakasama na si Lee O'Brian.


Sa kanyang Instagram post nitong June 7, hayagan niyang hinamon ang kanyang mga bashers na sabihin sa kanya ng harapan at personal ang mga pambabatikos ng mga ito sa social media at nang magkaalaman na.


“hinahamon ko yung mga matatapang sa comment section ni kano, kapag nakita nyo ako sa personal sabihin nyo sa harap ko lahat ng sinabi nyong masasakit ha! para masampolan ko kayo ng basag nguso! matatapang lang sa socmed” pahayag ni Pokwang sa kanyang Instagram post.


Nauna rito, binanatan rin ni Pokwang ang mga babaeng nagpapansin kay Lee. Ayon kay Pokwang, wala siyang pakialam sa mga ito basta's hindi lamang babanggitin ang kanyang pangalan.


 “Kung magpapansin kayo kay kano sa mga posts nya sa IG go ahead! Kung inaakala nyo mabibigyan nya kayo ng magandang buhay go ahead! Pero wag nyo na akong binabanggit para siraan sa kanya pwede ba? Kadiri mga hopya! Mga DESPERADA makapag-amerika!”


Dagdag pa ni Pokwang sa caption ng kanyang post, “di nyo na kailangan siraan ako sa kanya makuha nyo lang atensyon nya!


“habang marami kayong sinasabi mas lalo ako di titigil mapatalsik yan! ginagawa ko ang lahat nanay at tatay sa mga anak ko para makalimot at maging matatag pero ayaw nyo akong tigilang ng paninira sa kanya? Why?


“kung gusto nyo sya go ahead kunin nyo atensyon nya ng maayos no need to mention my name kakasuka kayo!


“naka block na sakin yan may mga nag rereport sakin kadiri mga desperada! kayo ang lumalabas na bitter hindi ako mga uhaw sa green card!”


Matatandaan na naghiwalay sina Pokwang at Lee O'Brian noon pang 2021 subalit ngayon lamang inilalabas ni Pokwang ang kanyang mga hinanakit laban dito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo