Ayon sa ulat, nakakuha ng 5.2% rating ang Eat Bulaga noong Lunes laban sa It’s Showtime ng TV5 na nakakuha ng 3.2%.
Taliwas ito sa mga hula ng ilang eksperto na hindi makakakuha ng magandang rating ang Kapuso noontime show matapos ang pagreresign ng legendary trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, kasama ang iba pang orihinal na hosts ng Eat Bulaga.
Gayunpaman, may mga kritiko na nagsasabing posibleng makakuha ng mas mataas na rating ang Eat Bulaga dahil sa curiosity ng ilang televiewers sa mga bagong host nito.
Naniniwala silang lalabas ang totoong ratings ng Eat Bulaga sa mga darating na araw kapag natapos na ang hype. Dito na umano magkakaalaman kung totoo nga bang mami-maintain ng mga bagong Eat Bulaga hosts ang dating rating ng show kasama ang dating mga hosts nito.
Isa pa sa mga itinuturong dahilan ng mga netizens ay ang malakas na signal reception ng GMA7 nasa free TV viewing din ito.
“Syempre curious yung tao. Panonoodin talaga para malaman kung paano kayo i-bash.”
“Channel 7 lang kasi talaga ang malakas ang reception ng signal!”
“Curious lang ang mga tao sa mga Host nila kaya maraming nanood, puro negative naman lahat ang comments nila wala man lang nagsabi na maganda ung show!”
Samantala, hinihintay ngayon ng mga netizens ang announcement ng TVJ sa darating na July. Hiling ng mga avid supporters ng mga ito na muling magkaroon ng show na ipapalabas sa TV5.
Matatandaan na isiniwalat nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon noong May 31, 2023 ang tuluyan nilang pagreresign sa TAPE Inc. Sinundan naman ito ng iba pang mga hosts ng Eat Bulaga.
Kaya naman nitong June 5, mga bagong host na ang nagbibigay saya sa mga Dabarkads.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!