SB19 Naniningil Na Sa Pagpapatugtog Ng Kanilang Kanta Sa It's Showtime

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Vice Ganda patungkol sa pagbabawal sa kanila ng SB19 na ipatugtog ang kanilang kanta sa It's Showtime.


Sa isang episode ng It's Showtime, hinamon ng isang contestant na makipag TikTok dance showdown sa kanya si Jhong Hilario.


Ni request pa ng contestant na ang sikat na kanta ng SB19 ang kanilang gamitin, ang Gento.


Subalit, hindi ito naipatugtog dahil pinagbabawalan na umano sila ng SB19 dahil kung ipapatugtog ang kanilang kanta sa show ay maniningil na sila ng Royalty Fee.


Hindi naman ito nagustuhan ni Anne Curtis at sinabing magandang promotion para sa kanta nila ang paggamit sa kanilang show.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa netizens may mga nagsasabing sunusobra naman ang mga pahayag ng It's Showtime host at sinasabing pinapalabas ng mga ito na mga mukhang pera ang SB19.


Gayunpaman, may mga madlang pipol pa rin na nagsasabing tama naman ang naging pahayag ni Anne Curtis na isang good promotion para sa kanilang kanta ang pagpapatugtog sa It's Showtime.


"Daming naoffend sa reaction nila Vice at Ann sa showtime about don sa bawal na ipatugtog ang GENTO ng SB19. Nagmumukhang pera daw ang sb19 dahil sa choice of words nila vice. Di naman siguro intension nila yun mali lang talaga interpretation ng iba. Kasi ako gets ko bakit bawal."


"Yan ang gusto ng madlang people as requested...gusto nila ng Gento @itsShowtimeNa ...akala ko ba nakikinig kau sa audience nyo? Yan ang gusto bakit di ibigay."


"Pero what else is new for their management na rampant ang cancel culture. Mamayagpag pa rin ang Mahalima, remember, the more barda, more blessings. And ang mga anay, mapapahiya."


"Ang dami mo rin maiisip na ang management mismo ang me ayaw dahil nag promote ng ibang groups. For them to BAN the song entirely is really something, and negative na sabihin yung binabayaran na kasi, unethical para sa mga artist yan. Nakaka-trigger ito! "


"Sayang, Tama nmn c Anne Curtis good promo sana napapatugtog kanta sb19 s mga show...kumbaga free advertise yun..."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo