Sellblock : Jericho'S Comeback Movie | International Project!

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Jerome

 


 Sa Instagram ay ibinahagi ng sikat na actor na si Jericho Rosales ang kanyang kasiyahan sa pagbabalik niya sa mundo ng pag-arte.


Makikita sa kanyang post na siya ay nakasuot ng kasuotan ng isang bilanggo, ito ay para sa kanyang gagawing pelikula.


Marahil ay para ito sa kanyang gaganapan na role sa kanyang gagawing pelikula, na maypamagat na "Sellblock."


Kasabay naman nito ang kanyang caption na, "I’m just very happy to be acting in front of the camera again.

Hi to my #SellBlock fam. You all are amazing. I’m honored… and happy I’m not waking up at 3am tomorrow. 😜 Sweet meme. 🛌"


Dito nga ay sinabi niyang hindi niya na kailangan na bumangon ng madaling araw ang ibig sabihin lang nito ay marahil tapos niya nang gawin ang mga taping o natapos na nila ang pagshoshooting ng pelikula.


Matatandaang nitong Mayo lang nagsimulang magfilm ang actor para sa co-production, at matatandaan din noong nagdaang taon ay ibinahagi niya sa kanyang social media account na kumukuha siya ng mga acting workshop sa New York City.


Medyo matagal na din ng makita ang actor sa telebisyon, matatandaang ang kanyang huling proyekto ay ang drama series na "Halik" mula taong 2018 at natapos sa taong 2019.


Agad naman na naexcited ang kanyang mga taga hanga at mga tagasubaybay sa magandang balitang hatid na ito ng actor sa kanyang mga tagahanga.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo