Sen. Raffy Tulfo Tutulungan Si Awra Briguela, Matapos Ikulong

Biyernes, Hunyo 30, 2023

/ by Lovely


Maging ang programa ni Sen. Raffy Tulfo, na Raffy Tulfo in Action ay nakatutok rin ngayon sa mainit na usapin patungkol sa nangyari sa actor at social media personality na si Awra Briguela.


Hinimok pa ni Sen. Raffy Tulfo ang mga kapulisan na huwag maging bias dahil lamang sa kasarian ni Awra Briguela. Hiling din ni Sen. Raffy Tulfo na sanay alamin din ng kapulisan ang panig ni Awra Briguela sa nangyari.


Inalmahan din ni Sen. Raffy Tulfo ang naging pahayag ng Chief ng PNP sa Makati na naging agresibo umano si Awra dahil isa itong gay. Ito umano ang naging dahilan kung bakit ninanais ni Awra Briguela na makita ang katawan ng lalaking nagrereklamo.


"Ay hindi Sir, mali ka diyan Sir. Wag ganun. Palibhasa'y gay, gustong makita agad ang katawan ng isang lalaki? Siguro po, merong pinagmulan yung kaguluhan," pahayag ni Sen. Raffy Tulfo.


Kamakailan lamang ay kumakalat sa social media ang video clips ng isang rambulan sa labas ng isang bar sa Poblacion,     Makati.


Kabilang sa mga nagrarambulan ay si Awra Briguela agad silang dinampot ng mga pulis. Subalit si Awra lamang ang nakasuhan at nakulong.


Agad namang, dumepensa ang mga kaibigan ni Awra at sinabing ipinagtanggol lamang nito ang kanyang mga kaibigan na nauna umanong binastos ng mga lalaki.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo