Tila walang paubayaan na magaganap sa pagitan ng TAPE Inc. at ng TVJ sa pag-claim sa titulo ng Eat Bulaga.
Matatandaan na nauna nang iginiit ng TVJ na sila ang may hawak ng copyright ng Eat Bulaga at madadala umano nila ito sakaling iwan nila TAPE Inc.
“For us, we follow, ‘ika nga, the international rule. Even in the Supreme Court jurisprudence here in the Philippines and abroad, the creators are the owners. So, we will fight for it, we will continue with Eat Bulaga,” saad ni Tito Sotto.
Subalit nagbigay na ngayon ng pahayang ang isa sa mga executive ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos kung saan nanindigan siyang nasa kanila ang trademark ng Eat Bulaga mula pa noong 2011.
“Kami po ang nag-trademark niyan nung 2011 and we also had another application in 1991,” pahayag ni Bullet Jalosjos sa isang panayam.
Ipinahayag din niya, na noong nag-apply ang TAPE para sa trademark ng “Eat Bulaga”, ay wala umanong kahit sino, maging ang TVJ, ang kumontra.
Matatandaan na nitong May 31, 2023 tuluyan nang nilisan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang TAPE Inc. kasunod nang pagbabawal umano sa kanilang makapaglive viewing.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!