Tape Inc Ng Mga Jalosjos Luge Na! 80percent Advertisers Nakasign Na Ng Contract Sa TVJ

Huwebes, Hunyo 15, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media sites ang umano'y pagkakalugi ng Tape Inc. mula nang umalis sa kanilang puder ang TVJ at iba pang hosts ng Eat Bulaga.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon halos 80% ng mga advertisers ng Eat Bulaga noon ang nagsiatrasan na at nagsipagsunuran sa TVJ matapos nilang inanunsyo na mayroon na silang bagong tahanan, ang TV5.


Dalawang linggo na rin ang nakararaan simula nang ipinalabas sa national tv ang rebranded Eat Bulaga. Pinapangunahan na ito ng bagong set ng mga hosts na unang nakatanggap na ng pambabatikos mula sa mga netizens. 


Ngayon, kahit papano ay may nakuha itong suporta mula sa mga tagahanga ni Yorme Isko Moreno mukhang hindi pa rin mabawi-bawi ng mga Jalosjos ang mga nalugi nila mula nang umalis sa kanilang bakod ang TVJ.


Usap-usapan din na may ilang mga advertisers ang umatras na at hindi na itinuloy ang partnership sa show simula nang  magkaroon ng kaguluhan sa dalawang panig. 


Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, nawalan umano ng tiwala ang mga advertiser sa Eat Bulaga ng mga Jalosjos. Kaya hindi na nagrenew ng kontrata ang halos 80 percent ng mga advertiser nito noon.


Kaya naman sa ngayon ay may maraming sponsors ang show ng TVJ sa TV5, mismong sales executives ng TVJ  umano ang nagsabi na 80 percent ng sponsors nila noon sa GMA ay nakapirma na ng kontrata sa para sa partnership nila sa show.


Ang show ng TVJ ay mapapanood na sa National TV sa darating na July. Ayon sa aming nakalap na impormasyon may usap-usapan na noon time din ito ipapalabas kaya't makakasabay nito ang show ng Jalsojos sa GMA7.  


Hindi naman siguro masisisi ang mga advertisers sa kanilang desisyon, dahil kung nasaan ang maraming audience doon sila papanig at makikipagpartner dahil ito ay negosyo. 


Sa kabila nito, nagpahayag ng pagiging matatag ang magkapatid na Jalojos. Bagama't inamin nila sa isang panayam na talagang nahihirapan ngayon humanap ng advertisers para sa kanilang programa, gagawin umano nila ang lahat para magawa nilang panatilihin sa pag ere ang programa. 


Si Jon Jalojos na presidente ng Eat Bulaga ang siyang nangako na siya mismo ang gagawa ng paraan para makipag usap sa mga advertisers. Hindi naman umano ito magiging mahirap dahil may karanasan na siya sa ganitong trabaho. 


Kung kakailanganin, siya pa mismo ang pupunta sa mga opisina na advertisers at makikipagnegostiate. Ilalako at iaalok niya umano ang show, at maglalatag ng mga ideya kung saan mahahighlight ang mga  brands ng advertiser sa mga segments ng show. 


Sa ngayon ay umaasa rin sila na hindi magtatagal ang mga pambabatikos na ito sa kanila, dahil  naniniwala silang habang tumatagal ay masasanay rin ang mga tao sa mga bagong dabarkads ng Eat Bulaga sa GMA7.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo