Nilinaw na ng TV5 bosses ang isyung sinadya nilang alisin ang It's Showtime sa kanilang network upang mas bigyan ng pabor at maging bias sa show ng TVJ at iba pang legit dabarkads na kamakailan lamang ay lumipat sa kanila.
Matatandaan, na noong May 31, 2023 ginulat ng TVJ ang buong showbiz industry ng isiwalat nila ang tuluyang pagkalas sa TAPE Inc. ang production company ng kanilang show na Eat Bulaga.
Kasunod nito ay ang pag-aagawan ng ibang mga network para sa kanila lilipat ang TVJ kabilang na nga ang TV5. Sa tuluyang paglipat ng TVJ sa TV5 naglabasan ang isyung pinapaalis ng TV5 ang kanilang block timer sa 12 noon timeslot na It's Showtime para ibigay sa TVJ ang timeslot nila.
Subalit, ayon sa pahayag ng TV5 chairman na si Manny Pangilinan, magtatapos na sa darating na June 30, 2023 ang kontrata sa kanila ng It's Showtime bilang kanilang blocktimer.
Kaya naman, natural lamang na ibibigay nila ang dating timeslot ng It's Showtime sa show na may parte sila. Binigyan naman umano nila ng timeslot ang It's Showtime subalit hindi na umano tinanggap ng mga ito ang offer.
Sa kabilang banda, nilinaw naman ng dalawang panig na walang samaan ng loob na naganap sa pagitan nila. Sa katunayan, patuloy pa ring ipinapalabas sa TV5 ang ilang mga Kapamilya shows including Magandang Buhay, ASAP Natin 'to! at ang tatlong Kapamilya teleseryes.
Isa pa base sa inilabas na official statement ng ABS-CBN mababasa pang labis ang kanilang pasasalamat sa TV5, sa pangunguna ng chairman nitong si Manny Pangilinan sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na makarating sa mas maraming manonood sa loob ng bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!