Ginulat ng iconic trio na TVJ ang lahat ng mga manonood ng Eat Bulaga sa biglaan nilang pagsisiwalat na aalis na sila sa pamumuno ng TAPE Inc. sa ilalim ng mga Jalosjos.
Nag-iwan ng malaking katanungan sa mga netizens at maging sa ilang mga celebrities kung bakit nakapagdesisyon ng ganoon ang TVJ gayung pinaglalaban naman nila ang kanilang karapatan sa Eat Bulaga.
Sa ngayon, unti-unti nang nabubunyag ang mga dahilan kung bakit, pinili na lamang nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na iwan ang Eat Bulaga sa kabila ng mahabang panahon na ginugol nila rito.
Isa umanong dahilan kaya nagdesisyon sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na magbitiw sa TAPE Inc., ay ang pagpanig ni Felipe L. Gozon, GMA chairman and CEO, sa mga Jalosjos.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon mula sa ilang mga sources, nainis ang TVJ kay Gozon sa pagkampi kay Romy Jalosjos na isang convicted child rapist sa pagitan ng isyu ng mga ito sa “Eat Bulaga”.
Ayon sa TVJ, napaka unfair ng GMA dahil sa pagbibigay umano ng platform sa mga Jalosjos upang ipahayag ang kanilang side.
Matatandaan, na ikinapanayam si Bullet Jalosjos sa programa ni Boy Abunda sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda.
Kabaligtaran naman umano ito kay dating Senate President Tito Sotto, matatandaan na inihayag na noon ni Tito Sotto ang pagkadismaya niya sa pamamagitan ng Facebook. Ni wala umanong GMA Reporter ang ang nagnanais na makuha ang kanilang side.
Ni hindi rin umano nailabas ang kanyang full interview bilang pagsagot sa panayam ni Bullet, tanging mga cutted video clips lamang.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!