Xander Ford, Humihingi Muli Ng 500K Kay Christian Merck Grey

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng content creator na si Christian Merck Grey na kilala rin bilang si MakaGwapo ang usapan nila ni Xander Ford sa cellphone.


Ayon sa panibagong video na ibinahagi ni MakaGwapo, tumawag umano sa kanya si Xander Ford ng madaling araw at tinalakan siya ng tinalakan tungkol  pagpapayo niya ritong magparehab.


Subalit, sa kalaunan ng kanilang pag-uusap, bigla na lamang humirit sa kanya si Xander Ford na bigyan niya ito ng 500K para magpa rehab siya.


Gagamitin umano niya ang 500K para may maiwan sa kanyang pamilya. Subalit, tinanggihan na ito ni MakaGwapo at ipinuntong hindi niya obligasyon ang pagpaparehab nito.


Lumalabas pa umanong utang na loob niya kay Xander kung magparehab ito. Ipinunto pa ni MakaGwapo na wala na siyang pakialam kung magpaparehab ba si Xander o hindi.


Gayunpaman, inofferan ni MakaGwapo si Xander ng isang boxing match kung saan magbibigay umano siya ng 400K kay Xander Ford kung sakaling matalo siya nito sa labanan.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.


"kuya merk, wag munang pansinin yan. alam kung mabait ka, pero wag munang pansinin si marlou. kung mey ibibigay kaman na pera para kay marlou. don nalang sa mag ina niya, wag na kay marlou."


"Wag mo nalang patulan ya wala ka mapapala jan, Focus ka nalang sa family mo. Wala ka mapapala jan itulong mo nalang sa mga mas nangangailangan yan."


"nako kuya merk nag pauto kana nung una wag na pumangalawa hahhahahhaha mas maigi na ipamigay mo nalang yan sa mas deserve at yung kinakailangan niyan."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo