Billy Crawford Inamin Na Hindi Na Niya Ka Close Ang Dating Kasamahan Sa It's Showtime

Miyerkules, Setyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng actor-host na si Billy Crawford na hindi na katulad ng dati ang samahan at pagkakaibigang nila ng mga dating kasamahan niya sa “It’s Showtime”.


Sa guesting nina Billy Crawford at  Coleen Garcia sa 'Fast Talk with Boy Abunda' kinumusta ng King of Talk sa mag-asawa ang current relationship nila sa mga dating ka-co-host sa show na It's Showtime.


Ayon kay Billy Crawford, bagama't may komunikasyon pa rin sila, hindi na umano sila gaanong nagkakausap. Hindi na umano sila katulad ng dati noon na palaging nagkokumustahan sa isa't-isa.


Ipinahayag naman ni Billy Crawford ang pinagmulan ng lahat ng ito. Sa tingin umano niya nag-umpisa ang mga pagbabagong ito nang umalis sila sa show upang makapag-pokus sa kanilang binubuong pamilya.


“I play basketball with Vhong [Navarro], I went to his house, I visited him… We hardly actually have time to communicate with every single person we know. It’s hard enough with our own family so the relationship has changed, to be honest with you, Tito Boy.”


Aminado rin si Billy Crawford na hindi na talaga naging tulad pa ng dati mula noon ang turingan nila ng dating ka-Showtime Family.


Ayon naman kay Coleen Garcia, ang naging pangunahing dahilan kung bakit nag-iba na ang kanilang pagkakaibigan ay dahil hindi na katulad nang dati na palagi nilang nakakasama ang mga kasamahan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo