Buboy Villar Inasar at Binastos Ang TVJ Matapos Makuha Ng Tape Inc. Ang Youtube Channel Na EB!

Lunes, Setyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Nagbubunyi ngayon ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga lalong-lalo na si Boboy Villar kung saan tila inasar pa niya ang TVJ sa pagkakakuha nila sa YouTube Channel na 'Eat Bulaga' na may millions subscribers.


Tila hindi naitago ni Buboy Villar ang kanyang tuwa matapos makuha ng TAPE Inc. ang control sa official YouTube Channel ng Eat Bulaga na may millions subscribers.


Sa Facebook account ni Buboy Villar, kaagad niyang ibinahagi ang unang YT live stream ng rebranded Eat Bulaga.


“FIRST LIVE SA YT CHANNEL THANKYOU LORD!” saad ni Buboy Villar.


Sa kabilang banda, dismayado naman ang TVJ sa pagkakakuha ng TAPE Inc sa ownership ng Eat Bulaga YouTube Channel.


Isiniwalat pa nila ang kanilang balak na magsampa ng kaso dahil sila umano ang nararapat na magmamay-ari nito.


“The owner of the YouTube channel is the owner of the email used to register it. It is not TAPE. The content of that YouTube account are past episodes of ‘Eat Bulaga.’ The copyright of the show and its episodes belong to TVJ,” pahayag ng legal council ng TVJ na si Atty.  Enrique Dela Cruz Jr.


Naniniwala rin ang TVJ na hinack ng TAPE Inc. ang YouTube Channel ng Eat Bulaga para mapasakamay nila ang ownership nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo