Sa panibagong data na inilabas ng Prosple Philippines makikitang pangatlo ang ABS-CBN sa Top 100 Employers For Fresh Graduates.
Ito ay base sa student popularity at program quality. Nangingibabaw rin ang ABS-CBN sa lahat ng media company na pasok sa nasabing listahan.
Ang isa pang network na pasok sa Prople ay ang GMA Network na nasa ika-26 na pwesto.
Sa mas madaling salita, mas maraming fresh graduates ang nagnanais na mapabilang sa ABS-CBN kaysa sa GMA Network ito'y sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN.
Samantala, ayon sa ilang mga ABS-CBN supporters, tila nakita ng mga fresh graduates na ito ang pagpapahalaga ng ABS-CBN sa lahat ng kanilang mga empleyado.
Kinilala ang ABS-CBN, bilang nangungunang content provider sa bansa. Ang Prosple Philippines ay isang platform na idinesenyo upang matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang paghahanap ng trabaho.
Pangatlo ang ABS-CBN sa mga top employer ng bansa, habang pumangalawa naman sa sektor ng Media and Communication.
Noong 2022, hinirang din ang ABS-CBN bilang nangunguna sa mga pinagpipiliang employer para sa mga Pilipinong studyante.
Nangangahulugan lamang ito, na mas marami ang nagnanais na mapabilang sa ABS-CBN at marami pa rin ang naniniwala sa nasabing network sa kabila ng kawalan ng prangkisa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!