Sa live episode ngayong September 5 ng It's Showtime nagbigay sila ng pahayag para sa mga madlang pipol na nalulungkot na baka tuluyan na itong titigil sa pag-ere.
Naging palaisipan din sa mga manonood kung anong aksyon ang gagawin ng mga It's Showtime sa inilabas na suspension ng MTRCB.
Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang It's Showtime sa pamamagitan ni Jhong Hilario.
"Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspendi ang It's Showtime sa loob ng 12 days. Mula sa pinalidad na disisyong ito, kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration. Dahil naniniwala kami na wala kaming nilabag na anumang batas."
"Habang nakabinbin ang motion for reconsideration, ang desisyon ng suspension ng programa ay hindi pa final at epektibo. Kaya sa ngayon ay patuloy niyo pong mapapanood ang It's Showtime.
"Patuloy pa rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang It's Showtime sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang Pipol."
Nagpapasalamat din sila sa lahat ng mga madlang pipol na patuloy pa ring sumusuporta sa It's Showtime.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!