Naging laman sa mga usap-usapan online ang kumakalat na larawan ni Kaye Abad na pinalilibutan ng mga bodyguards habang namimili sa isang grocery store sa Cebu.
Kasalukuyang nakabase sa Cebu sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo matapos nilang magpakasal.
Unang kumalat ang mga videos ng pamimili ni Kaye sa TikTok matapos itong iupload ng isang netizens. Marami ang napataas ang kilay dahil sa umano'y pagkakaroon ni Kaye Abad ng maraming bodyguards na animo'y isa umano itong presidente ng United States.
Kaya naman, pinili ni Kaye na magbigay na ng pahayag upang maitigil na ang isyu. Ipinunto ni Kaye sa isang post na hindi niya binabayaran ang mga bodyguards na iyon dahil sana'y naman na umano siya sa buhay sa Cebu.
Ang nasabing bodyguards ay mula umano sa nasabing establishment dahil may trabaho siya roon.
"I'm always alone when I do my groceries. Or sometimes kasama ko ang kids. Pero walang 'bodyguards'," paglilinaw ni Kaye Abad.
Samantala, sa isa pang post tila biniro ni Paul Jake ang kanyang asawang si Kaye patungkol sa mga bodyguards nito.
Sa nasabing post makikita si Kaye na kumukuha ng pagkain mula sa isang handaan. Pabirong pagtatanong ni Jake, "Mga bodyguards mo?"
Agad naman itong sinagot ni Kaye na naging waiter na.
Nauna na rito, nilinaw ni Kaye sa isang panayam na nakipagcollab siya sa isang store sa Cebu. Ang store umano mismo ang nagprovide ng mga bodyguards para sa kanya.
Una din umano siyang tumanggi rito subalit ipinunto ng mga lalaki na sumusunod lamang sila ng utos.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!