Pinatawan ng 12 days suspension ng MTRCB ang It's Showtime ito'y kasunod ng pagpapatawag sa production company nitong dahil sa mga natanggap na reklamo ng ahensya hinggil sa hindi kaaya-ayang gawi ng mga host na ipinapakita sa mga manonood at sa harap ng mga bata nilang guest hosts.
Sa inilabas na official statement ng MTRCB mababasa ang naging dahilan kung bakit napatawan ng 12 Day Suspension ang show.
Matatandaan na nauna nang ibinunyag noon ng MTRCB chairperson Lala Sotto na ilang beses na nilang pinadalhan ng warning ang It's Showtime.
Para sa episode noong January 24, nang di-umano'y binigkas ng hosts na sina Jhong Hilario at Vice Ganda ang salitang "G spot", at para sa episode nitong June 3, nang sinabi ng host na si Vhong Navarro ang salitang "tinggil".
Bukod dito may iba pang warnings na natanggap ang It's Showtime kabilang na nip slip, pek pek shorts, suggestive macho dancing at iba pang palaro nila na hindi na umano angkop para sa isang noontime variety show.
Samantala, nakasaad din naman sa nasabing statement na binibigyan ng MTRCB ang It's Showtime ng 15 days para makapag-file ng Motion for Reconsideration.
Hindi rin naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na na suspendid ang It's Showtime. Noong 2010 nasuspinde rin ang nasabing show sa loob ng 20 days.
Samantala, marami naman ang nalungkot sa natanggap na parusa ng It's Showtime lalong-lalo na ang kanilang mga tagasubaybay dahil 12 days silang mawawala sa ere.
Sa kabila ng maraming mga nambabatikos, hindi naman maipagkakaila na marami ang nasisiyahan sa pagbibiro ni Vice Ganda.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!