Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagdedemanda kay Vice Ganda at Ion Perez ng KSMBP o Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas.
Para sa kaalaman nang lahat ang Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas (KSMBP) ay naiiba sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ayon sa isinampang kaso ng KSMBP laban kina Vice Ganda at Ion Perez, nilabag ng dalawang hosts ng It's Showtime ang Revised Penal Code (RPC) under Article 201 at Section 6 ng Republic Act No. 1075 o Cyber Crime Prevention Act ng 2012.
Kung saan pinapatawan nito ng karampatang parusa ang mga taong nagpapakita ng mga immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows.
Kapag napatunayang nagkasala sina Vice Ganda at Ion Perez maaari silang maparusahan ng anim hanggang labin dalawang taon na pagkakakulong.
Samantala, hiling ngayon ng mga Madlang Pipol at mga fans ni Vice Ganda na malampasan ito nang nina Vice at Ion na magkasama.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!