Naninindigan pa rin ang pamunuan ng It's Showtime at maging ang ABS-CBN na walang nilabag na anumang batas ang show sa MTRCB.
Sa ngayon ay gumugulong na ang 15 days na binigay sa kanila ng MTRCB para sa paghahain ng motion for reconsideration.
Kamakailan lamang inilahad ni Lala Sotto na makakatulong kahit paano sa It's Showtime kung maglalabas ng public apology sina Vice Ganda at Ion Perez kung saan aaminin nito ang kanilang pagkakamali.
Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng anumang pahayag sina Vice Ganda at Ion Perez hinggil sa payo ni Lala Sotto sa kanila.
Maging ang pamunuan ng It's Showtime at ABS-CBN ay nanahimik rin hinggil sa nasabing pagpapayo ni Lala Sotto kina Vice Ganda at Ion Perez.
Sa kabilang banda, tila naging marami na ang nadamay sa suspension isyu ng It's Showtime. Kamakailan lamang ay nagsampa ng kaso laban kina Vice Ganda at Ion Perez ang Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas dahil naniniwala silang kailangan parusahan ang dalawang It's Showtime hosts.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!