Abegail Rait Hindi Nakatanggap ng Pera Mula sa Pamilya Magalona

Martes, Oktubre 24, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng dating flight attendant na si Abegail Rait ang mga huling sandali nila ni Francis Magalona bago ito pumanaw noong 2009.


Sa panayam kay Julius Babao, sinabi ni Abegail na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nalaman kung ano ang gustong ipahiwatig ni Francis Magalona sa kanilang huling pag-uusap.


Sinabi ni Abegail na pinalaki niya ang kanilang anak na babae ng master rapper na si Gaile Francesca, nang mag-isa, nang walang natatanggap na mana mula kay Francis.


Hindi rin umano ginagamit ni Gaile Francesca ang last name ng ama sa mga legal papers.


“Bago siya mawala ‘non, magkausap kami for three hours, ang natatandaan ko lang na [sinabi niya], quote and unquote ‘wag kayong mag-alala, baby mama, makakasama kayong mag-ina ko,” saad ni Abegail.


Dagdag pa niya, “After nong mawala siya, wala naman siyang iniwan sakin, wala po talaga. Thankfully, naka maternity leave lang ako noon, may binalikan akong trabaho so nabuhay ko naman siyang mag-isa.”


Matatandaang nag-viral sa social media si Abegail matapos nitong i-claim na may relasyon sila ni Francis.


Gayunpaman, binatikos din siya ng mga netizens sa pakikipagrelasyon sa master rapper, kahit na kasal na ito kay Pia Magalona.


As of writing, nanatiling tahimik ang pamilya Magalona sa isyu.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo