Nagpahayag ng pagkadismaya ang komedyanteng si Ai-Ai delas Alas matapos siyang ma-feature sa isang advertisement para sa isang health supplement nang walang pahintulot.
Sa kanyang Facebook post, ipinagdidiinan ni Ai-Ai na hindi siya endorser ng anumang produkto. Hindi rin niya nagustuhan ang paraan na ginamit ng kumpanya para i-advertise ang kanilang produkto.
Kumakalat kasi ngayon ang mga ads kung saan nakahiga siya sa hospital bed na sinasabing ang produkto ng mga ito ang nakapagpagaling sa kanya.
Subalit ang katotohanan umano nito ayon kay Ai-Ai ay kuha ang larawan sa isa sa kanyang mga pelikula.
“Mga walanghiya kayo. Buwisit kayo talaga eh. Mga kampon kayo ni Satanas,” said Ai-Ai. “Ginagawan n’yo ako ng sakit. Walanghiya, ginamit n’yo pa ‘yung picture ko doon sa teleserye namin eh, ‘yung ‘Raising Mamay’, na may sakit ako sa ospital.”
“Mga walanghiya kayo. ‘Yun pa ‘yung talagang ginamit n’yo para makapagbenta kayo niyang tinitinda n’yong produkto. Sinasabi n’yo pa na-stroke ako? Mga p*nyeta kayo! Hirap na hirap ako mag-exercise para maging healthy ako tapos… gagawan n’yo ko nang na-stroke ako. Diyusko ‘day. Anong klaseng mga tao ba kayo?”
Samantala, hindi naman binanggit ni Ai-Ai Delas Alas kung magsasampa ba siya ng pormal na reklamo laban sa kompanya.
Kabilang din sa mga celebrities na ginamit sa pekeng ads ay si Doctor Willie Ong.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!