Andrea Brillantes Agad Na Sumagot 'Don't Blame The Garapata'

Miyerkules, Oktubre 25, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang tila palaban na sagot ni Andrea Brillantes sa mga naging pasaring sa kanya hinggil sa pagsisiwalat ni Ricci Rivero.


Sa kanyang Instagram post ibinahagi ng young actress ang panibagong collection ng DBTK x HM. Makikita sa kanyang post na nakasuot siya ng isang white t-shirt na may nakaprint na 'Don't Blame the Garapata'.


Bagama't mula naman ito sa isang collections, sinasabi ng mga netizens na patama ito ni Andrea Brillantes sa panibagong girlfriend ni Ricci Rivero na si Leren Mae Bautista.


Ipinost din ito ni Andrea Brillantes matapos ang pagpi-flex ng magulang ni Ricci sa panibagong nobya ng anak.


Narito ang ilang komento ng mga netizens.


"Blythe, forget about them. Treat them as if they dont exist. They will only ride in your popularity. You are too pretty for him. And she is too old to be your mother. What happened is for the best."


"Haha garapata as in ung gumagapang sa jowa ng iba"


“Yes bukod sa makati ang garapata, makapit pa ang garapata"


Sa kabilang banda, hindi pa sumasagot si Andrea Brillantes sa panibagong pasabog ni Ricci Rivero kung saan isiniwalat nito na ilang beses siyang nagpupunta sa condo nito kahit madaling araw para lamang makipagbalikan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo