Billy Crawford, Guest Host Sa Anibersaryo Ng It's Showtime

Lunes, Oktubre 23, 2023

/ by Lovely


 Isa ang dating It's Showtime host na si Billy Crawford sa mga nag-aabang sa muling pagbabalik ng It's Showtime matapos ang 12 airing days na pagkakasuspinde nito bilang parusa ng MTRCB.


Sa kamakailang panayam kay Billy Crawford ipinahayag niyang buo ang kanyang paniniwala na malalampasan ng It's Showtime family ang kinakaharap nilang pagsubok na ito.


"It's Showtime and that family, and that community, whatever they will experience, whatever hardships or struggles nalalampasan nila. So babalik yan, stronger, better and we're rooting for them."


Sa kabilang banda, marami ang pinagkakaabalahan ngayon si Billy Crawford kabilang na ang kanyang mga upcoming Kapuso projects.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang detalye si Billy Crawford hinggil sa upcoming projects niyang ito, subalit ngayon pa lang ay halata nang excited at pinaghahandaan niya ito.


"Wala pang schedule, inaayos pa yung calendar, pero I'm gonna be part of something. I can't say now, pero hopefully marelease na, maybe next year."


May mga kumakalat naman ngayong mga haka-haka na baka isa sa magiging guest sa nalalapit na anniversary ng It's Showtime ay si Billy Crawford.


Hindi naman umano ito magiging imposible dahil dati namang host ang aktor-host ng naturang show at siya rin ay isa nang Kapuso actor kung saan nananahanan ngayon ang It's Showtime.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Billy Crawford na hindi niya isinasara ang posibilidad na makapasok sa alinman umiereng show kabilang na ang It's Showtime.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo