Cristy Fermin, Dinepensahan si Willie Revillame sa Mga Nagsasabing Manggagamit Ito

Miyerkules, Oktubre 25, 2023

/ by Lovely


 Nag-react ang beteranong kolumnista na si Cristy Fermin sa mga akusasyon na ginagamit umano ni Willie Revillame ang mga mahihirap para kumita ng pera.


Sa isa sa mga episode ng online show niya kasama sina Rommel Chika at Wendell Alvarez, ibinahagi ni Cristy  Fermin ang ilang komento ng mga netizens laban kay Willie Revillame at sa show nito.


Nag-react si Cristy sa balitang magiging bahagi si Willie ng state-sponsored channels para aliwin ang ‘lowest of the lowest,’ na umani ng batikos sa social media.


“Hindi ka naman nagta-trabaho para yumaman, ikaw ay gumagamit ng mahihirap para yumaman ka,” paglalahad ni Cristy Fermin sa isang komento mula sa netizen.


Gayunpaman, sinabi ni Cristy na hindi patas ang mga akusasyon laban kay Willie Revillame hindi umano siya naniniwalang ginagamit lamang ni Willie ang mga mahihirap para makakuha ng kasikatan at mataas na talent fee.


Kahit na may mga hindi sila pagkakaunawaan nitong mga nakaraang buwan, naniniwala pa rin si Cristy Fermin na wagas ang intensyon ni Willie na tumulong sa mga mahihirap at hindi dahil sa pera.


“Sana lang wag magpagamit si Willie Revillame sa mga politiko na napakalayo pa ng boxing pero pumuporna na ngayon palang,” pahayag pa ni Cristy Fermin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo