Dahilan Ng Biglaang Pagp5naw Ni Joey Paras Sa Edad Na 45

Martes, Oktubre 31, 2023

/ by Lovely


 Sumakabilang buhay na ang komedyante, former Sunday Pinasaya star at dating bida sa 'Bekikang' na si Joey Paras sa edad na 45 taong gulang.


Sa isang social media post, kinumpirma ng pamilya ni Joey Paras ang pagpanaw nito noong linggo October 29, 2023 dahil sa heart failure.


"To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras  passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023 at 5:40pm. Unfortunately his heart wasn't able to recover anymore."


Nanawagan din ang pamangkin ni Joey Paras ng tulong pinansyal para sa lahat ng may mabubuting puso para ma-settle nila ang kanilang bills at mailabas ang dating aktor sa hospital.


"Currently, his remains is still at the hospital's morgue. We need to settle his hospital bills for us to take him home. Our family is knocking at your kind and generous heart to help us raise a fund to cover his hospital bills."


Kalakip nito ay ang impormasyon kung saan ipapadala ang mga donations.


Sa mga sumunod na post, inilahad ng pamangkin ni Joey Paras na hanggang ngayon ay hindi pa nila masasabi kung kailan ang burol nito dahil kailangan pa nilang i-settle ang hospital bills at nangangailangan pa sila ng malaking halaga para sa funeral service.


"Sa ngayon po malaking halaga pa po ang kailangan ng aming pamilya,pambayad po sa Funeral Service ni Tito at iba pa gagastusin para maiburol na po si Tito Joey."


"Sa mga nagtatanong naman po kung kelan at saan ibuburol magpopost nalang po kami,as of now po kasi inaayos pa po si Tito at need pa pong isettle ang bills niya para maitransfer na po siya sa QC. Pasensiya na po sa mga hindi ko narereplyan."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo