Dating Asawa Ni Joey De Leon Na Si Daria Ramirez, May Panawagan Sa E.A.T Host

Martes, Oktubre 31, 2023

/ by Lovely


 Hayagang umapela ang beteranong aktres na si Daria Ramirez sa kanyang dating asawa na si Joey De Leon, na tulungan siya sa gitna ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap ngayon.


Sa panayam kay Ogie Diaz, ibinahagi ni Daria ang nakaraan niyang relasyon sa E.A.T. host at kung paano sila naghiwalay.


Ipinahayag ni Daria, na ina nina Kempee at Cheenee de Leon, na umaasa siyang mapansin ni Joey ang kanyang apela.


Ibinahagi rin niya na alam ng kanyang mga anak kanyang mga problema, ngunit pinili nilang huwag makialam sa kanilang mga magulang.


Ayon kay Daria, umaasa siyang matutulungan siya ni Joey De Leon sa kanyang financial problems.


“Don De Leon, baka naman you know. Siguro naman nararamdaman mo, di mo lang pinapansin eh. Kailangan ko ng tulong mo. Baka naman maalala mo ako. Hintay lang ako. Hindi lang masabi ng mga anak natin dahil ayaw nilang gumitna. Alam mo yun. At mas lalong alam ko kasi nakakausap ko sila,” panawagan ni Daria.


Gayunpaman, hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot si Joey De Leon sa mga naging pahayag ng kanyang dating asawa.


Si Joey De Leon ay kasalukuyang co-owner ng TVJ Productions, na diumano ay tumatanggap ng daan-daang milyong piso sa kanilang partnership sa TV5.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo