Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!

Lunes, Oktubre 23, 2023

/ by Lovely


 Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa pagkakaroon ng anak ni Francis Magalona sa ibang babae.


Matatandaan na kamakailan lamang ay ginulat ng mag-inang Abegail at Gaile Francesca Rait ang publiko nang isiwalat nila sa Pinoy Pawnstar ang totoong relasyon nila sa namayapang King of Rap ng Pilipinas na si Francis Magalona.


Ayon sa pagsisiwalat ni Abegail Rait nagsimula ang naging relasyon nila noon ni Francis Magalona nang kunin nito ang kanyang number habang nanonood siya ng Eat Bulaga.


Dahil dito binalikan ng mga netizens ang naging pahayag noon ni Joey De Leon sa isang panayam na may inihabilin sa kanya si Francis M bago ito pumanaw na hindi niya maaring isiniwalat sa publiko sa mga panahong iyon.


Naniniwala ang mga netizens na ang existence nina Abegail at Gaile Francisca ang tintukoy ni Joey na kamakailan lamang ay tuluyan nang naibunyag sa publiko.


Dahil dito, sinasabi ng mga netizens na totoo ang ipinahayag ni Abegail na mahal sila ni Francis M.


Samantala, naniniwala rin ang ilang mga netizens na maging si Vic Sotto ay may alam rin sa naging relasyon ni Francis M sa ibang babae dahil ang van pa umano nito ang minsang ginagamit ni Francis sa tuwing palihim itong nakikipagtagpo noon kay Abegail.


Sa kabilang banda, ayon sa pananaliksik ni Boss Toyo matagal na palang alam sa lugar nina Abegail ang relasyon ng dalawa na nilihim sa loob ng 15 years.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo