Hindi Sila Makapaniwala Sa Inasal Ni Belle Mariano Sa Isang Event

Huwebes, Oktubre 26, 2023

/ by Lovely


 Hindi makapaniwala ang ilang mga fans ni Belle Mariano sa ginawa ng aktres sa isang event na dinaluhan nito kamakailan lamang.


Sinita ni Belle Mariano ang mga guards na humawi sa kanyang mga tagahanga na nais makipag-selfie sa kanya habang naglalakad siya papunta sa activity center are ng Trinoma Mall nitong myerkules ng tanghali.


Maaga pa ang inaabangan na ng mga fans si Belle para sa launching nito sa inendorso niyang online shopping app.


Makikita sa video na pinapalibutan ng mga guards si Belle upang alalayan ito at para na rin hindi malapitan ng mga fans. Binilisan pa ng mga guards ang kanilang paglakad upang madaling makapasok si Belle.


Hindi nagustuhan ng aktres kaya sinita niya ang mga guards na nakapalibot sa kanya at magalang na ipinaliwanag na gusto naman niyang makipagselfie sa kanyang mga fans.


Isa pa, nakasuot ng mahabang dress si Belle at nakaheels kaya hindi siya makapaglakad ng mabilis.


Na-touch naman ang mga fans sa ginawa ni Belle dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makipag selfie rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo