Isko Moreno Ipinahiya Si MTRCB Lala Sotto

Lunes, Oktubre 16, 2023

/ by Lovely


 Inulan ng mga papuri mula sa mga netizens ang dating Manila mayor na si Isko Moreno dahil sa isang video na kumakalat ngayon sa ilang mga social media plaforms.


Sa isang panayam kay Isko Moreno, pinayuhan niya ang chairperson ng MTRCB Lala Sotto na lagyan ng puso ang serbisyo publiko ng ahensya bilang nasa ilalim naman ito ng gobyerno.


Isa sa dahilan ni Isko Moreno ay ang kadahilanang nanggaling naman sa showbiz ang pamilya ng kasalukuyang namumuno nito.


Alinsunod pa rin ito sa samu't-saring reaksyon ng mga netizens sa tuluyang pagkakasuspinde ng Kapamilya show na It's Showtime.


"I think you should know better. Isn't it the chair or head of such agency, ay galing mismo sa showbiz industry. Because you know better than anybody na maraming umaasa sa likod ng kamera," pahayag ni Isko Moreno.


Ayon pa kay Eat Bulaga host Isko Moreno, dapat naiintindihan ni Lala Sotto ang maaring epekto ng ginawa nitong pasya laban sa nasabing palabas hindi lamang sa mga artistang host at manonood kundi maging ang mga tao sa likod ng kamera.


"Hndi lamang puro utak, kailangan nilalagyan mo rin ng puso. And that's what you call public service. You served na public, you protect the greatest number and at the same time, you shall symphatize, care, understand and compassion."


Positibo naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging pahayag ni Isko Moreno. May mga nagmungkahi pa na sana si Isko na lamang ang maging chairman ng MTRCB.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo