Namimiss na ngayon ng mga madlang pipol ang noontime na It's Showtime na hindi muna mapapanood dahil nakasuspinde sila sa loob ng labin dalawang araw.
Sa pagbabalik nila sa darating na October 28, inaabangan ang Grand Finals ng Mini Ms. U at ang nalalapit na pagsisimula ng Magpasikat 2023 na magiging hudyat para sa nalalapit nilang 14th anniversary.
Samantala sa Instagram live ng isa sa mga host ng It's Showtime na si Teddy Corpuz isiniwalat niyang pupuntang Hongkong ang ilang It's Showtime family para makapagbakasyon at magmumuni-muni.
Sa kabilang banda, tila may nagbabantang pagsubok na naman para sa It's Showtime sa kanilang pagbabalik.
Inanunsyo na kasi ang pagkakaroon ng panibagong tahanan ng Philippine Basketball Association. Pormal nang ipinahayag ng TV5 President Guido Zaballero na mapapanood na ang mga laro sa Play for Play League sa A2Z dahil sa kasunduan ng kampo ng Kapatid network, Cignal, ABS-CBN at ng ZOE Broadcasting Network.
Ang It's Showtime ay isa sa mga maapektuhan na show ng partnership na ito. Gayunpaman, tila hindi naman ito magiging problema dahil sumang-ayon naman rito ang ABS-CBN.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!