Maricel Soriano, Charlie Dizon Nag Away Sa Taping?

Lunes, Oktubre 23, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang biglaang pagkatsugi ng karakter ni Maricel Soriano sa teleseryeng Pira-Pirasong Paraiso bilang si Amanda Paraiso.


Ang karakter ni Maricel Soriano ay ang lola ng mga Paraiso na ginampaman naman nina Charlie Dizon, Loisa Andalio at Alexa Ilacad.


Samantala sa isang episode ng Marites University naibahagi ng isang host ang totoong dahilan kung dahilan kung bakit kaagad na tsinuge ang karakter ni Maricel sa nasabing show gayung bago ito pumasok ay nagkaroon muna ito ng bonggang presscon.


Matatandaan na ang ibinigay na dahilan ni Maricel Soriano sa pagkakatanggal sa kanya sa Pira-pirasong Paraiso ay ang pagkakasama naman niya sa seryeng Linlang.


Ayon sa mga host ng Marites University, kataka-taka ang pagkakatanggal ni Maricel Soriano sa show gayung inaabangan ng maraming manonood ang kanyang karakter at ang magiging tapatan nila ni Snooky Serna.


Isa pa, tapos naman na umano ang taping ng Linlang, pagpupunto naman ng isang host.


Nagbigay naman ng hint si DJ Jaihoo patungkol sa pagkakaroon ng kaalitan ni Maricel Soriano na isa umano sa kanyang mga apo sa serye.


Hindi naman muna nila pinangalanan ito dahil wala pa umano silang natatanggap na 'go signal' mula sa mga sangkot nito.


Sa kabila nito, may mga hinala naman ang ilang mga netizens kung sino ang tinutukoy nila.


May mga naghinalang si Charlie Dizon ang nakaalitan ni Maricel Soriano sa show na naging dahilan kung bakit kaagad na namaalam ang kanyang karakter sa nasabing teleserye.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo