Maxene Magalona May Mensahe Sa Kanyang Half Sister Na Si Franchesca Magalona!

Martes, Oktubre 24, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang isang makahulugang post ni Maxene Magalona na hinala ng lahat na para sa kanyang half-sister na si Gaile Francesca Rait.


Umaani ngayon ng samu't-saring negatibong komento ang Magalona family matapos ang pagsisiwalat ni Abegail Rait hinggil sa existence nila ng kanyang anak kay Francis M kung saan iginiit niyang mahal na mahal sila ng yumaong Master Rapper.


Kasunod nito kumakalat naman ang mga bali-balitang hiwalay na noon sina Pia at Francis. May mga nagsasabi pang si Pia ang unang nagkaroon ng boyfriend bago nagkarelasyon sina Francis M at Abegail Rait.


Sa kabila nito nananatiling positibo ang pananaw ni Maxene Magalona, isa sa mga anak nina Pia at Francis Magalona, sa kanilang pamilya sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap nila sa ngayon.


Sa ngayon nananatiling kalmado si Maxene Magalona kung saan ipinapakita niyang tila hindi siya apektado sa mga kinakaharap nilang isyu sa biglaang pagsulpot ng mag-inang Abegail at Gail Francesca Rait.


Sa kamakailang post ni Maxene Magalona, ipinahayag niyang dapat na maging proud dahil sa pagpapatuloy sa kabila ng anumang pagsubok na pinagdadaanan.


"Be proud of how far you've come. All the silent tears, struggles, doubts and sad moments. You keep doing it all because you're built different. Be proud as you should."


Tila ipinahayag ni Maxene Magalona na may isang bata na very proud siya dahil sa pagkaya nito sa mga pagsubok sa kabila ng kawalan ng ama.


Marami naman ang naghinalang para sa kanyang half-sister ang mensaheng ito dahil hindi nito nakasama ng matagal ang kanilang ama na si Francis M.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo