Muling naging laman ng mga usap-usapan online ang Unkabogable Star na si Vice Ganda matapos mag viral ang kanyang video habang kumakain ng friwd chicken.
May kumakalat kasing haka-haka na muli na namang pinatawag ng MTRCB si Vice Ganda dahil rito.
Nagsimula ang isyu dahil sa pagpopost ng isang social media page na ginamit pa ang pangalan ni Cristy Fermin para maging kapani-paniwala ang isyu.
Kaya naman kaagad na nilinaw ng MTRCB sa pamamagitan ng paglalabas ng official statement ang isyu kung saan pinabulaanan nilang muling ipinatawag ng kanilang ahensya ang komedyante.
“Pinabulaanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga post sa social media na nagsasabing ipinatawag ng Board ang isang kilalang personalidad na lumabas kamakailan sa isang Television Commercial ng isang Fast-food chain. Ang mga paratang na ito ay may masamang hangarin at walang katotohanan.”
Hinikayat rin ng MTRCB ang mga netizens na maging mapanuri sa mga napapanood na balita sa iba't-ibang news sites at tiyakin ang katotohanan nito bago ipamahagi sa iba.
“Sa panahon ng digital age, mahalaga na tiyakin kung tunay ang mga balita at maging mapanuri sa iba’t ibang sources ng impormasyon bago ito ipamahagi. Ipinapakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng Media literacy at Kritikal na pag-iisip.
“Patuloy na sumusuporta ang MTRCB sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. at sa Presidential Communications Office (PCO) sa kampanya nito laban sa disinformation at misinformation.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!