Nagsalita na ang president ng Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil laban sa representative ng Pilipinas na si Nikki De Moura.
Matatandaan na marami sa mga Filipino pageant fans ang hindi nagustuhan ang resulta sa katatapos lamang na Miss Grand International kung saan hindi nakapasok sa top 20 ang pambato ng bansa.
Marami sa mga fans ang nagsasabing malaking cooking show ang nangyari sa Miss Grand International. May mga nagsasabi rin na tila may personal hate ang owner ng nasabing pageant sa Pilipinas dahil hindi pa nakuha ng bansa ang korona ng nasabing beauty pageant.
Nauna nang ipinahayag ng kandidata ng bansa na si Nikki De Moura ang kanyang disappointment at heartbreak sa naging resulta ng kompetisyon.
Gayunpaman, nanatili pa rin umano siyang grateful dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanya para mairepresent ang Pilipinas.
Samantala, matapos ang announcement ng top 20 hindi na muling lumabas pa si Nikki De Moura.
Tila hindi naman ito nagustuhan ng may-ari ng Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil. Sa isang TikTok live, inihayag niya ang kanyang disappointment sa kandidata ng Pilipinas dahil sa pagiging unprofessional umano nito.
“It’s not my fault and your candidate did not make it to top 20. After announcing the top 20 she decided to walkout even her National Director did not stop her. We invested a lot of money from day one to rehearsal up to finals and not showing up makes her very unprofessional.”
Muling iginiit ni Mr. Nawat na hindi siya ang dapat sisihin sa pagpapadala ng Pilipinas ng mga maling candidates para sa Miss Grand International pageant.
“The problem with you is choosing the wrong candidate to compete, from day one she has a lot of problem/fault. You Filipinos stop blaming me as you have chosen the wrong candidate to compete.”
Inisa-isa rin nito ang nakikita umano niyang mali kay Nikki De Moura kabilang na ang hindi umano pagsunod ng kandidata sa ilang mga instructions, wala rin umano itong respeto sa iba at hindi siniseryoso ang kanyang mga responsibilities.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!