Gumawa ng malaking rebelasyon ang mga awtoridad tungkol sa kaso ng nawawalang Miss Grand Philippines 2023 Candidate na si Catherine Camilon.
Ayon sa pagbubunyag ng Police Regional Office 4A, isa sa mga persons of interest sa pagkawala ni Catherine Camilon ay isang pulis na umano'y karelasyon nito.
Ayon sa naging pahayag ng Camilon family, natuklasan nila na ang kanilang nawawalang mahal sa buhay ay may karelasyon na pulis.
Hindi naman pinangalanan ng organisasyon kung sino ang nasabing police na naging nobyo ng beauty queen.
Alinsunod sa pagsasagawa ng imbestigasyon, sinuspinde na muna ng organisasyon ang pulis na tinutukoy bilang person of interest.
“The removal of the police officer from his position is essential to ensure that the investigation remains free from potential influence and guarantees a fair and thorough examination of the case,” pahayag ng PRO4A Acting Regional Director Brigadier General na si Paul Kenneth Lucas.
Gayunpaman, hinihiling nila na sana ay hindi muna magspeculate ng kung ano-ano ang mga tao dahil isinasagawa pa rin nila ang imbestigasyon hanggang ngayon.
“We request everyone to refrain from speculating or disseminating unverified information. We will keep the media and the public informed as the investigation unfolds, and we will do everything in our power to find answers regarding this incident.”
Sa ngayon ay nawawala pa rin ang dalaga at wala pa ring nakapagtuturo sa kasalukuyang lokasyon at kalagayan nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!