Ogie Diaz Inoferan Si Anji Salvacion Ng Libreng Workshop!

Martes, Oktubre 31, 2023

/ by Lovely


 Inalok na ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang aktres na si Anji Salvacion ng isang libreng acting workshop para mag-improve ang acting skills nito.


Viral ngayon sa social media ang ilang mga video clips na kuha mula sa mga eksena ni Anji Salvacion sa seryeng Linlang dahil sa kanyang ligwak na pag-arte na nakabanas sa ilang mga manonood.


Maging si Ogie Diaz ay nauna nang ipinahayag ang kanyang pagkayamot sa paraan ng pag-arte ni Anji Salvacion na hayagan niyang ipinahayag sa social media.


Agad naman siyang sinigundahan ng mga netizens na noon pa man umano ay nabubwisit na sa pag-arte ng PBB Big Winner.


May mga nagsasabi pa na nakakahiya umano ang paraan ng pag-arte ni Anji kumpara sa mga kasamahan niya sa teleserye na kilala na magagaling sa larangan.


May mga humihiling pa na sana ay tanggalin na lamang si Anji Salvacion sa serye dahil naging panggulo lamang ito sa kwento.


Kaya naman, inalok na ni Ogie Diaz si Anji ng isang libreng acting workshop dahil marami rin naman ang nagsasabing kulang lamang ito sa praktis at gagaling din ito kalaunan.


Ayon kay Ogie Diaz, willing siyang isali sa kanyang acting workshop ang aktres.


“Kung gusto ni Anji Salvacion at saka ‘yung si Kice, libre ko kayong iwo-workshop. Hindi ko kayo pagbabayarin.” 


Maging ang kapartner ni Anji Salvacion sa serye na si Kice ay nadadmay narin sa isyu ng pag-arte ni Anji.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo