Nag-viral sa social media ang komedyanteng si Vice Ganda matapos biglaang pagpuna niya sa Philippine Airlines matapos ireklamo ang abalang naranasan nila dahil sa overbooking issue sa flight na kanyang na-book.
Nitong October 25, isiniwalat ni Vice Ganda, na nawalan siya ng orihinal na flight dahil fully booked na ito.
“GRABE KA @flyPAL!!! Grabeng pangaabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!!! Bakit kayo ganyan??? Ilang beses nyo kaming pinaranas ng overbooking sa puntong di nakasakay ang kasama namin. Ngayon ako naman ang nawalan ng upuan!”
Mabilis namang tinugunan ng PAL ang reklamong inilahad ni Vice Ganda sa social media, na kilala bilang isa sa mga nangungunang celebrity endorser sa Pilipinas.
Ilang beses humingi ng paumanhin ang airline kay Vice at ipinaliwanag na mabilis nilang inimbestigahan ang nasabing insidente. Pinayagan pa nilang makasakay si Vice Ganda sa kanyang original flight.
“Hi, Vice. We sincerely apologize for the inconvenience you experienced during your flight from Bangkok to Manila. Please be assured that we are actively investigating the issue and are in close coordination with our team in Bangkok. We are committed to providing you with assistance and updates as soon as they become available. If you require any immediate assistance, please let us know. Thank you for your patience and understanding,” sagot ng PAL sa tweet ni Vice Ganda.
Samantala, pinabulaanan naman ng PAL ang pahayag ni Vice Ganda na overbooking ang dahilan kung bakit nawalan siya ng seat.
Ayon sa paglilinaw ng PAL, for safety reasons ang dahilan kung bakit binakante nila ang seats sa business class. Inoffer naman umano kay Vice na lumipat na lamang sa economy class subalit umayaw ang komedyante.
“First and foremost, we want to clarify that the flight was not overbooked, and we operate with the utmost commitment to safety. During pre-flight safety checks, two business class seats were identified as unserviceable due to safety concerns, rendering them unfit for passenger use.”
“As a result, you were among the passengers offered a seat downgrade to economy class, a decision made to ensure safety and the operational integrity of the flight."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!