Pia Magalona Matagal Nang Alam Ang Tungkol Kina Francis M, Abegail Rait

Miyerkules, Oktubre 18, 2023

/ by Lovely


 Tinatawag ngayong martyr si Pia Magalona dahil matagal na umano nitong alam na may ibang pamilya ni Francis Magalona bukod sa kanila. 


Usap-usapap ngayon sa ilang mga social media platforms ang paglalantad ng dating karelasyon ng yumaong si Francis Magalona. Isiniwalat ni Abegail Rait sa blog na Pinoy Pawnstar na nagkaroon sila ng relasyon ni Franics noon.


Nabiyayaan pa umano sila ng isang anak na babae na si Francis pa mismo ang nagbigay ng pangalan, si Gaile Franchesca mula sa kombinasyon ng pangalan nila.


Ayon sa kwento ni Abegail isa siyang former flight attendant, nagsimula umano ang pagtitinginan nila ni Francis nang magkita sila sa Eat Bulaga bilang isa sa mga audience. 


Hiningi umano ni Francis ang number niya at doon na umano nagsimula ang kanilang komunikasyon hanggang sa nagkaroon ng relasyon. Buntis na umano si Abegail nang malaman niyang may dinaramdam si Fracis.


Inalagaan naman umano niya si Francis sa tuwing ito ay nasa kanilang bahay sa Cavite at kailangann magpahinga.


May mga rumors na noon na nagkakalabuan na ang mag-asawang sina Francis at Pia,  at marahil ang pinakadahilan nito ay nang malaman ni Pia na may ibang babae si Francis. 


Subalit na diagnose ang sakit ni Franics, kaya naman naging matatag si Pia, at inalagaan ang asawa hanggang sa huling sandali. 


Noong pumanaw si Francis Magalona, lumutang ang mga balita sa existence ni Abegail. Meron ding mga kumakalat na pictures na kuha sa mismong binyag ni Gaile Franchesca. 


May isang kopya ng invitation card kung saan mababasa sa information na ang mga magulang ng bata ay sina Francis at Abegail. 


Sa kabilang banda,isang martr na asawa naman ang tingin ngayon ng mga netizens kay Pia Magalona, sobrang mapagparaya umano ito dahil mas inisip niya ang kapakanan ni Francis sa panahon na labis na siya nitong kailangan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo