Ricci Rivero Binaliktad Si Andrea Brillantes Sa Pagiging Cheater

Miyerkules, Oktubre 25, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-amin ni Ricci Rivero sa totoong relasyon nila ni Leren Mae Bautista ilang buwan matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila noon ni Andrea Brillantes.


Matatandaan na pinaghihinalaan ng mga fans ni Andrea Brillantes na si Leren Mae ang babaeng naabutan ni Andrea Brillantes sa loob ng condo ni Ricci Rivero na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Pinabulaanan naman ito ni Ricci Rivero at sinabing bagama't may naabutang babae si Andrea Brillantes, hindi naman umano sa kanya ito.


Pinabulaanan din ni Ricci noon ang relasyon nila ni Leren Mae Bautista.


Subalit, kamakailan lamang ay hayagan nang inamin ni Ricci ang relasyon nila Leren Mae Bautista. Hindi ito nagustuhan ng ilang mga netizens dahil tila binaliktad ni Ricci ngayon ang kwento.


Tila pinapalabas umano ni Ricci Rivero na si Andrea Brillantes ang may kasalanan sa nangyaring hiwalayan nilang dalawa.


Napansin ito ng mga netizens sa paraan ng pag-amin ni Ricci at maging sa mga social media posts ng mga magulang ni Ricci Rivero.


Kung saan ipinapahayag ng mga ito na walang mang-aagaw at hindi umano manloloko ang kanilang anak.


Nagpasaring pa umano ang ama ni Ricci Rivero hinggil sa pagiging bastos at kawalan ng respeto ni Andrea Brillantes.


Maging si Leren Mae ay ipinahayag din na si Andrea na lamang ang tanungin patungkol sa cheating issue.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo