Ricci Rivero, Sasampahan ng Kaso ni Bea Borres

Huwebes, Oktubre 26, 2023

/ by Lovely


 Pinag-iisapan ngayon ng kaibigan ni Andrea Brillantes na si Bea Borres, ang pagsasampa ng kaso laban kay Ricci Rivero dahil sa direktang pagbanggit ng kanyang pangalan sa isang tweet.


Matatandaang nag-viral si Ricci  Rivero sa social media matapos nitong i-retweet ang post ni Bea at hamunin itong ibunyag ang mga sikretong alam nila sa isa't isa.


Matatandaang nag-viral si Ricci  Rivero sa social media matapos nitong i-retweet ang post ni Bea at hamunin itong ibunyag ang mga sikretong alam nila sa isa't isa.


“Puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline.”


“Diba dinadamay nila yung isa na walang kasalanan? Dahil ngayon nag sasalita na ako pumapatol na? Antayin natin yung time is the ultimate truth teller ng magka alaman sino talaga. Isama kita sa washing machine eh.” 


Sa isang episode ng radio show na ‘Marites University’ noong October 24, ibinahagi ni DJ Jhai Ho ang mensahe ni Bea na kinukunsulta na niya ang kanyang abogado sa mga posibleng legal na aksyon laban kay Ricci.


“Ang kuwento sa akin ni Bea Borres, sabi niya, when I asked her kung ano ang masasabi niya regarding Ricci na ni-namedrop siya dahil sa post niya without naming names, sabi nito,


"sa ngayon daw, she’s now consulting her lawyer…kasi puwede siyang magsampa ng case ng cyberlibel dahil siguro doon sa sinabing about pagiging kabit. At pinangalanan siya directly doon sa mismong tweet niya.”


Gayunpaman, sinabi ni Bea na hindi pa pinal ang kanyang desisyon, at maaaring magbago ang isip niya kung magpasya si Ricci na ihinto ang pagbanggit sa kanya sa Twitter.


“Sabi niya: ‘sa totoo lang naman petty lang naman ‘yung tweet and everything’. Pero kung magpapatuloy si Ricci…na magganyan pa rin doon sa X, baka talagang ituloy na ni Bea ‘yung pagsasampa ng kaso sa kaniya.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo