Unang Asawa Ni Pia Magalona inilantad Na, Hindi Kasal Si Pia Arroyo at Francis M Sa Pinas?

Martes, Oktubre 24, 2023

/ by Lovely


 Maraming mga personalidad ang naglalabasan ngayon sa social media at tila nakikisawsaw sa isyu ng Magalona family matapos ang paglantad ni Abegail na umano'y other girl ng namayapang Master Rapper.


Kasunod nito, nagsilabasan na ang mga usap-usapan patungkol sa asawa ni Francis M na si Pia Magalona. May mga nagsiwalat pa na umano'y hiwalay na sina Pia Magalona at Francis sa mga panahon nagkarelasyon sina Francis at Abegail.


May mga nagsasabi pang hindi naman umano ikinasal sina Francis Magalona at Pia. Dahil nauna nang ikinasal si Pia sa ibang lalaki at nagkaroon ng dalawang anak.


Isiniwalat din ng isa sa malapit na kaibigan ni Francis M na si Robby Taroza ang totoong pag-uugali ni Pia na naging dahilan kung bakit hiniwalayan ito ni Francis.


Sa kabilang banda, may nagtatanggol naman kay Pia kung saan sinasabing ikinasal ang dalawa sa Hongkong, kalakip pa nito ang larawan na kuha mula sa kasalan ng dalawa.


Agad naman itong sinagot ni Robby at sinabing kaya sa Hongkong naganap ang kasal ng dalawa dahil hindi sila maaring ikasal sa Pilipinas dahil sa kasal pa si Pia rito kay Lim.


May mga natuturo naman na ang sundalong si Danilo Lim ang totoong asawa ni Pia.


Sa kabilang banda, patuloy naman ang pananahimik ng pamilya Magalona hinggil sa mga ibinabatong isyu sa kanila ng mga tao na nagpakilalang kaibigan dati ni Francis Magalona.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo