Hindi ikinatuwa ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang paliwanag na isinulat ng Philippine Airlines hinggil sa kanyang reklamo.
Matatandaan na ginamit ni Vice Ganda ang kanyang mga social media pages para ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa PAL dahil sa umano'y isyu sa overbooking na dahilan kung bakit nawalan ng flight ang komedyante.
Subalit ayon sa naging paliwanag ng PAL, ginawa nilang hindi available ang dalawang business class seat dahil sa safety issue, na nagresulta sa pagkawala ng puwesto ni Vice sa eroplano.
Gayunpaman, iginiit ng PAL na nag-alok sila ng alternatibong solusyon kay Vice, sa pamamagitan ng pagbaba ng kanyang mga puwesto sa ekonomiya, na iniulat na tinanggihan ng komedyante.
“First and foremost, we want to clarify that the flight was not overbooked, and we operate with the utmost commitment to safety.
"During pre-flight safety checks, two business class seats were identified as unserviceable due to safety concerns, rendering them unfit for passenger use.
"As a result, you were among the passengers offered a seat downgrade to economy class, a decision made to ensure safety and the operational integrity of the flight,” pahayag ng PAL.
Kaagad naman itong sinagot ni Vice Ganda, kung saan ipinagdiinan niya na iba ang dahilan ng communication staff ng kumpanya sa sinabi sa kaniya sa airport.
“Hindi yan ang sinabi sakin sa counter! Ang sabi ng staff “THE FLIGHT WAS OVERBOOKED AND MY SEAT WAS GIVEN TO ANOTHER PASSENGER”. MAG BATO BATO PICK NA LANG KAYO NG STAFF SA COUNTER KUNG SINO SA INYO ANG PAL-PAK! YUNG PANALO LIBRE KO NG ROUND TRIP TICKET VIA CATHAY PACIFIC!”
Hindi yan ang sinabi sakin sa counter! Ang sabi ng staff
— jose marie viceral (@vicegandako) October 24, 2023
“THE FLIGHT WAS OVERBOOKED AND MY SEAT WAS GIVEN TO ANOTHER PASSENGER”. MAG BATO BATO PICK NA LANG KAYO NG STAFF SA COUNTER KUNG SINO SA INYO ANG PAL-PAK! YUNG PANALO LIBRE KO NG ROUND TRIP TICKET VIA CATHAY PACIFIC! https://t.co/fg8O9H2D26
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!