Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pag-call out ni Vice Ganda sa Philippine Airlines, isiniwalat ng komedyante na nakaranas sila ng abala sa kanilang flight mula Bangkok patungong Pilipinas.
Sa sunud-sunod na tweets, direktang binanggit ni Vice Ganda ang overbooking issue sa PAL.
“GRABE KA @flyPAL !!! Grabeng pangaabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!!! Bakit kayo ganyan??? Ilang beses nyo kaming pinaranas ng overbooking sa puntong di nakasakay ang kasama namin. Ngayon ako naman ang nawalan ng upuan!” pagsisiwalat ni Vice Ganda.
Dagdag pa ni Vice Ganda, “NAPAKAPANGET NG SERBISYO NYO @flyPAL !!!! NAPAKAPANGET!!!!!”
Ipinahayag pa ni Vice Ganda ang labis na tress dahil sa nangyari. Inamin pa ng Unkabogable Star na talagang naiyak siya sa airport dahil hindi sila magkasama sa flight ni Ion Perez.
Naawa rin umano siya kay Ion dahil ayaw nitong sumakay sa eroplano nang hindi siya kasama.
“Sistema nyo na ba talaga ang overbooking @flyPAL ??? Alam nyo ba kung gaanong stress ang idinudulot nyo sa pasaherong di nakakasakay sa binook at binayaran nyang flyt? May damdamin pa ba kayo ng malasakit para sa pasahero? Pera pera?”
“Walang halong biro naiyak ako habang tumatakbo para umabot ako sa flyt na muntik kong di masakyan dahil nagoverbook kayo. Si Ion inabutan kong mukhang kawawang nasa pinto ng eroplano dahil ayaw nyang sumakay kung di ako makakasakay. Yun ang ginawa nyo sa amin. @flyPAL.”
Ang overbooking ay isang practice na ginagawa ng ilang airline company sa pamamagitan ng pagpayag sa kanilang mga customer na bumili ng ticket kahit na puno na ang eroplano.
Inaasahan ng mga airline company na hindi lahat ng bumili ng ticket ay sasakay, kaya tumatanggap pa rin sila ng mga booking upang mas lumaki ang kanilang kita.
Walang halong biro naiyak ako habang tumatakbo para umabot ako sa flyt na muntik kong di masakyan dahil nagoverbook kayo. Si Ion inabutan kong mukhang kawawang nasa pinto ng eroplano dahil ayaw nyang sumakay kung di ako makakasakay. Yun ang ginawa nyo sa amin. @flyPAL
— jose marie viceral (@vicegandako) October 24, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!