Vice Ganda Nakisalo Sa Huling Tanghalian Ng It'S Your Lucky Day!

Biyernes, Oktubre 27, 2023

/ by Lovely


 Talagang Kapamilya na ang turing ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa host ng ipinalit na show sa kanila na It's Your Lucky Day.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ngayong araw ang huling araw ng It's Your Lucky Day dahil magbabalik na bukas ang noontime show na It's Showtime na pansamantalang pinalitan nila.


Kaya naman, binisita ni Vice Ganda ang studio ng nasabing show upang makipagsalo sa huling tanghalian ng mga ito roon.


Samantala, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga fans ng It's Your Lucky na magpapatuloy pa rin ang nasabing show kung saan bibigyan na sila ng sariling timeslot.


Sa kabilang banda, excited naman ngayon ang mga madlang pipol dahil muli na namang magbabalik ang It's Showtime sa ere.


Muli na naman itong magbibigay ng saya para sa lahat na naghihintay sa kanilang pagbabalik matapos ang 12 airing days suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB.


Inaabangan na rin ngayon ng mga madlang pipol ang pasabog na ibubungad ng It's Showtime family sa kanilang pagbabalik sa ere.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo